vic sotto

Vic Sotto, may social media account na

Showbiz

At last masusundan na rin ng mga fans na netizen ang buhay o mga ginagawa ni Bossing Vic Sotto.

Ito ay matapos gumawa na 64 anyos na komedyante ng kanyang sariling social media account sa Instagram.

Dahil sa ayaw mabulabog ang kaniyang personal na buhay kaya’t matagal na hindi gumawa ng social media account si Bossing.

Nalaman ang instagram acct ni Vic matapos na mamention ito sa instagram post ng asawa nitong si Pauleen Luna na bumabati sa kanya noong father’s day.

“Marvic” ang nakasulat na pangalan sa kaniyang Instagram account na may user name na @mzet280.

Kitang kita na bago lang ang account ni Vic dahil bukod sa wala pa itong kahit anong post, dalawa pa lang ang followers nito at nasa 20 pa lang ang kaniyang following.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *