Chess Grandmaster

Bata mula sa India, World’s Second Youngest Chess Grandmaster

Sports

Naging pangalawang pinakabatang Chess Grandmaster ang isang 12 years at 10 months na bata mula sa India.

Kinilala ang 2nd youngest grandmaster na si R. Praggnanandhaa tatlong buwan lamang ang agwat sa nangungunang batang Grandmaster na hawak ni Sergey Karjakin ng Ukraine noong 2002 sa edad na 12 years at seven months.

Upang maging Grandmaster kailangan ng isang player na makakuha ng tatlong norms o high level performance na may rating na 2,500.

Nakuha ni Praggnanandhaa ang titulo nang makapag-garantiya ito ng kanyang ikatlong norm.

Kabilang sa huling tinalo ni Praggnanandhaa ang 18-year old na Italian Grandmaster na si Luca Moroni at ang Dutch Grandmaster na si Roeland Pruijssers.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *