Laban

Laban ni Pacquiao at Matthysse, tuloy  

Sports

Tuloy ang laban ni Pacquiao at Matthysse.

Pinasinungalingan ni Golden Boy Promotions Founder Oscar dela Hoya ang impormasyong kumakalat na hindi ito matutuloy.

Gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa July 15 ang nakatakdang paghaharap nina Manny Pacquiao  at Matthysse.

Ayon kay dela Hoya hindi totoo ang mga pinalutang na pahayag ni Top Rank big boss Bob Arum.

Ito ay posibleng makansela ang pagdepensa ni Matthysse sa kanyang champion belt kay Pacquiao.

Handang-handa na

Handang handa na rin anya ang kanyang pambato na si Matthysse sa laban.

Nakatakdang tumulak pa-Malaysia si dela Hoya para tumulong kay Pacquiao sa pag-promote ng laban.

Una nang iginiit ni Manny Pacquiao na matutuloy ang World Welterweight title challenge niya kay Lucas Matthysse.

Nilinaw naman ng 8-Division former world champion na naareglo na ang financial obligations ng kanyang kumpanya kaya nasisigurong matutuloy ito sa July 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *