flight

2 domestic flight sa NAIA, kanselado

Metro News

Dalawang domestic flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kinansela dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division Office, biyaheng  Manila patungong Basco o vice versa  ang mga apektado.

Kabilang na dito ang Cebgo Flight DG 6009 at DG 6010.

NAIA, patuloy na minomonitor

Patuloy pa rin nakamonitor ang MIAA sa maaaring pagdagdag ng maapektuhang mga pasahero sa NAIA.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na agad makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking, o refund ng kanilang ticket.

Karagdagang pag-iingat din ang pinaabiso ng paliparan para sa mga pasahero nito.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *