plastic

Panawagan sa pagtigil sa paggamit ng plastic, idinaan sa sayaw

Metro News

Ang pag-ban sa paggamit ng plastic, idinaan sa pagsasayaw ng iba’t ibang environmental groups.

Ang dance showdown ay binubuo ng pro-disposables na Gang of ‘Ocean Polluters’ at pro-reusables na The League of ‘Ocean Defenders.’

Ayon kay Miko Aliño, Zero-Waste campaigner ng Global Alliance for Incinerator Alternatives, kanilang tinutuligsa  ang paggamit ng ‘single-use’ na uri ng plastics.

Kasabay nito ang paghimok sa publiko na gumamit ng alternative system para mabawasan ang paggamit nito.

Pumapatay sa dagat

Sinabi ni Von Hernandez, Global Coordinator ng Break Free From Plastic Movement, na ang nangyayari ngayon ay napupunta sa karagatan, coastal areas at dumpsites ang mga plastik.

Ito naman ang  siyang pumapatay sa mga lamang dagat at nagiging sanhi ng mga pagbaha.

Hinimok ni Aileen Lucero, National Coordinator ng Ecowaste Coalition ang publiko na iwasan ng gumamit ng plastic bags.

Lalo na sa pamamalengke,  drinking straw at iba pang disposable plastic items na kadalasang ginagamit ng mamamayan.

Nagagalak naman ang mga environmental groups dahil unti-unti nang nagigising ang gobyerno sa perwisyong dulot ng ‘single-use’ na uri ng plastik sa kapaligiran partikular na sa karagatan.

Patuloy namang umaasa ang grupo sa binitiwang salita ng mga mambabatas.

Ito ay ilaban ang panukalang tuluyang magba-ban sa paggamit ng single-use platics maging ng micro plastics.

 

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *