Pinasususpinde

Regional Director ng NCIP Region 13, pinasususpinde

Regional

Pinasususpinde ng Ombudsman ang Regional Director ng National Commission on Indigenous People sa Region 13 na nakabase sa Butuan City.

Nakitaan ng sapat na dahilan upang sampahan ng kaso ng Ombudsman si NCIP Regional Director  Jose Jake Dumagan, Jr.

Ito ay dahil sa pananakot na ginawa nito sa isang tribal leader.

Ipinatawag ni Dumagan si Datu Reynante Buklas, Tribal Chieftain ng Mamanwa Tribe ng Claver, Surigao del Norte noong Marso 22, nang nakaraang taon.

“According to complainant Datu Reynante Buklas, tribal chieftain of the Mamanwa tribe in Taganito, Claver, Surigao Del Norte, was invited by Dumagan to a meeting on 22 March 2017.”

Kinuwestyon ni Dumagan ang Datu kung bakit itinigil na nito ang pagkuha ng serbisyo ng isang Atty. Alfonso Casurra, bilang counsel ng tribo na hindi siya kinokonsulta.

Sinabi ng Ombudsman, “During the meeting, Dumagan questioned complainant’s act of discontinuing the services of a certain Atty. Alfonso Casurra, as the tribe’s counsel, without consulting respondent.”

Pinagbantaang babarilin

Tinakot ng naturang NCIP official ang Datu na babarilin sa paa kung hindi magbabago ang isip nito.

“Complainant also recalled that respondent had a gun tucked on his waist.

And threateningly stated in the vernacular: “Do you see that rifle; it has a very big scope.

I will use that rifle to shot you in the legs; so that you will be limp; but I will not kill you.

You better think of your decision.”

Pinatawan ng Ombudsman ng 6 na buwang suspensyon si Dumagan.

In the related administrative case, Dumagan was found guilty of Simple Misconduct and Conduct Unbecoming of a Public Official, and was ordered suspended for six months,” pagtatapos ng Ombudsman.

 

DZARNews

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *