pagdinig

Pagdinig sa petisyon na kumukwestyon sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC, muling itinakda

National News

Muling itinakda ng Kataas-taasang Hukuman ang pagdinig sa petisyong kumukwestyon sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

August 14

Sinabi ni Supreme Court (SC) PIO Chief Theodore Te na itinakda ang oral arguments ng naturang petisyon sa August 14 mula sa na unang petsa nito na August 7.

Ito ay base sa desisyon ng SC en banc kung saan pinag-isa na lamang ang dalawang petisyon kaugnay dito.

Kasabay nito, pinagkokomento rin ng SC sa loob ng limang araw si Solicitor General Jose Calida sa mosyon ni detained Senador Leila de Lima na makadalo sa naturang oral arguments .

Si de Lima ay kabilang sa anim na senador na naghain ng petisyon kaugnay sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

Ang iba pang senador na kasama rito ay sina Francis Pangilinan, Franklin Drilon, Bam Aquino, Risa Hontiveros, at Antonio Trillanes IV.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *