ufcc

Pagtaas sa presyo ng tubig sa mga susunod na taon, kinuwestiyon ng UFCC

Metro News

Hinahanap ng grupong United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) ang business proposal ng mga pangunahing water concessionaires sa Metro Manila.

Nilalaman umano ng business proposal ang panukalang taasan ng P11.00 ng Maynilad ang kanilang singil sa susunod na limang taon.

Habang P8.30 naman ang itataas ng Manila water sa susunod din na limang taon.

Aniya, matagal na nilang hinihingi sa mga kinauukulan ang business proposal.

Subalit hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na aksyon.

July 2017 ng huli silang sumulat sa Manila Water Sewerage System (MWSS) para ipaabot ang kanilang panig subalit mag-iisang taon ang nakaraan, wala pa ring tugon sa kanilang panawagan.

Corporate tax, kinuwestyon

Samantala, bukod pa sa pagtaas ng singil sa tubig sa mga susunod na taon.

Kinukuwestiyon naman ng grupo ang aniya’y malaking corporate tax na ipinapataw ng mga water concessionares sa mga consumer.

Plano rin aniya ng mga water companies ma mangolekta pa ng karagdagang corporate tax ngayong 2018 hanggang 2037 sa halagang P132-B.

Sa nasabing tala, posibleng aabot sa P64.1-B ang patong ng Manila Water habang P68.7-B naman sa Maynilad.

Nitong Hunyo lang nang aprubahan ng MWSS ang taas singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water epektibo nitong Hulyo 1.

 

Ulat ni:  MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *