Biktima ng paputok ngayong Bagong Taon, bumaba sa 60%

National News

Bumaba umano ng 60 porsyento ang biktima ng mga paputok ngayong taon kumpara sa mga nakaraang 5 taong pagsalubong sa bagong taon.

Ito ang masayang ibinalita ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial matapos ang pagsabong ng taong 2017.

Ayon sa kalihim, marahil nagkaroon na ng mind set ang mga Pilipino kaugnay sa maingay na pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa pinakahuling ulat ng DOH, umabot sa 350 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok mula ng simulan ang monitoring noong December 21, 2016.

Samantalang noong nakaraang taon sa parehong panahon, ay umabot sa 850 ang bilang ng mga naputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Nabatid na pangunahing sanhi pa rin ng firecracker injury ay ang ipinagbabawal na piccolo.

Karamihan sa mga naging biktima ay may edad kinse pababa.

Sa ulat ng DOH, pinakaraming naitala na biktima ay nagmula sa National Capital Region, Region 6 at Central Luzon.

Sa Metro Manila, pinakamaraming naitala sa Maynila, Quezon City at Marikina City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *