Dagdag singil sa presyo ng kuryente, mararamdaman sa buwan ng Marso ayon sa DOE

National News

Posible umanong maramdaman ang piso hanggang uno beinte na dagdag singil sa presyo ng kuryente sa buwan ng Marso.

Ayon sa Department of Energy, ito ay dahil sa napipintong shutdown ng malampaya sa loob ng dalawampung araw.

Sinabi ni DOE Undersecretary Wimpy Fuentebella, magsisimula ang shutdown sa Enero a-beinte hanggang Pebrero a-disi sais.

Aniya, magtataas ang presyo ng kuryente dahil sa paggamit ng mas mahal na panggatong ng mga plantang gumagamit ng natural gas.

Inaasahan na aabot sa tatlong daang piso ang dagdag na bayarin ng mga karaniwang consumers na komukonsumo ng 300 kwh kada buwan.

Sa kabila, nito, tiniyak ng DOE na sapat ang supply ng kuryente pero posibleng makaranas ng mas manipis na reserba pagdating ng Pebrero a-trese hanggang a-disi siyete ng taong kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *