Sen. Trillanes at Sen. Zubiri, nagkainitan sa Senado

National News

Nagkainitan at muntik ng magbangayan sina Sen. Antonio Trillanes at Juan Miguel Zubiri sa pagdinig ng Senado.

Ito ay matapos pagtalunan ng 2 senador ang isyu ng posibleng whitewash sa imbestigasyon sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).

Nag-ugat ang diskusyon sa naging pahayag ni Zubiri na dapat ay ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon ang mag-imbestiga sa umano’y panunuhol ni Jack lam sa ilang opisyal ng BI.

Bagay na hindi sinang-ayunan ni Trillanes ang mungkahing ito ni Zubiri.

Nauna na kasing iminungkahi ni Trillanes na iimbestigahan ng kaniyang komite na Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Conduct ang nasabing kontrobersiya.

Matapos ang mainitang diskusyon, nagkaayos at nagkamayan din naman ang 2 makaraan ang 1 oras na close-door meeting kasama ang iba pang namagitang mga senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *