2 tauhan ng NBI sa Tarlac, nagbarilan

Metro News

Dalawang tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Tarlac ang nagbarilan makaraang magtalo dahil lamang sa pustahan sa sabong.

Patay ang Security Officer ng NBI-Tarlac na si Laverne Vitug, 51 anyos, nang mauwi sa barilan ang pagtatalo nila  ng Intelligence Officer na si Attorney Boy De Castro.

Dead on arrival si Vitug habang tinutugis na ng pulisya si De Castro na agad umanong tumakas sakay ng kaniyang pajero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *