Dating Pangulong Aquino, sinagot na ang mga alegasyon ni Pangulong Duterte kaugnay sa Mamasapano

National News

Naglabas na ng pahayag si Dating Pangulong Noynoy Aquino patungkol sa Mamasapano Encounter noong enero 2015 matapos ang mga pahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang statement, idiin ni Aquino si noo’y SAF Director Getulio Napeñas na hindi umano sumunod sa mga utos niya.

Dagdag pa ng dating Pangulo, ang SAF ang pinasabak sa operasyon dahil sa ayon umano kay Napeñas ay ito ang Elite Force ng PNP.

Ang mga ito rin aniya ang nakahanap ng “Actionable Intelligence” kaya ang mga ito ang ipinasabak sa operasyon.

Wala rin daw papel ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika sa operasyon.

Sinabi rin ni Aquino na hindi niya alam ang patungkol sa 5 Milyong Dolyar na reward mula sa Amerika dahil sa hindi rin naman umano niya pinakialaman ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *