Kaso ng 2 sa 3 Narco-Generals, tapos na; resolusyon, na-isumite na sa Malacañang

National News

Tapos na ang imbestigasyon sa kaso ng dalawa sa tatlong Narco-General matapos masangkot sa illegal drug trade sa bansa.

Sinabi ni PNP Chief Director Ronald dela Rosa, naisumite na ng National Police Commission o NAPOLCOM sa Malakanyang ang resolusyon para sa dalawang heneral.

Ayon kay Dela Rosa, si Pangulong Rodrigo Duterte na ang magbibigay ng pinal na desisyon pagkatapos rebyuhin ang resolusyon.

Paliwanag ni Dela Rosa, tanging ang pangulo ang makakatanggal sa serbisyo sa mga third level officers.

Tumanggi naman si Dela Rosa na magkomento kung ano ang rekomendasyon ng NAPOLCOM kina Police Director Joel Pagdilao at Police Chief Supt. Edgardo Tinio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *