Pagdedeploy ng mga household service workers sa Middle East, posibleng suspendihin ng DOLE

National News

Posibleng suspendihin ng Department of Labor and Employment ang pagpapadala ng mga household service workers sa mga bansa sa Middle East.

Hinimok din ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga recruitment agencies na tulungan ang mga OFWs na nahaharap sa parusang bitay sa Gitnang Silangan upang hindi matuloy ang pagpapatupad nito.

Inihalimbawa pa ng kalihim ang kaso ni Jennifer Dalquez, ang OFW na nahatulan ng parusang kamatayan sa United Arab Emirates ng Al Ain trial court sa Dubai, matapos mapatay ang kanyang employer noong 2015.

Bukod dito, patuloy din na tinutulungan ng DOLE ang isa pang nasa death raw na si Elpidio Lano sa Kuwait, matapos namang mapatay ang kapwa OFW na si Nino Macaranas.

Giit ng kalihim na hindi malayong isuspinde muna ang pagpapadala ng household service workers kung masusundan pa ang mga kaso ng pagkakabitay sa mga Pinoy OFWs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *