Pinsala ng lindol sa Surigao City, umaabot na sa higit P100M ayon sa DPWH

Regional

Umaabot na sa higit P103.45 milyong piso ang pinsalang iniwan sa mga imprastraktura sa Surigao City dulot ng 6.7 magnitude na lindol.

Ayon sa Department of Public Works and Highway (DPWH), patuloy ang clearing operations sa mga pangunahing kalsada at tulay gaya ng Daang Maharilika, Maliko Bridge,  Kinabutan  Bridge, Kinabutan II Bridge, Surigao Wharf Road, Surigao- San Juan Coastal Road, Friendship Bridge, Banahaw Bridge, Surigao – Davao Coastal Road at Magpayang- Mainit Wharf Road.

Bagamat nadadaanan naman sa mga motorista ang mga nabanggit na kalsada at tulay, pinayuhan ng dpwh ang mga malalaking sasakyan na iwasan munang dumaan dito.

Kaugnay nito, nag install na ng warning signs ang ahensya sa mga daan at naka deploy na rin ang kanilang mga tauhan, para sa patuloy na pagsasaayos ng mga tulay at kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *