Wally Sombero, itinanging kilala niya si Jack Lam

National News

Mariing itinanggi ni Wally Sombero na middleman siya ng Chinese gambling lord na si Jack Lam.

Binigyang-diin ni Sombero na hindi niya personal na kilala si Lam.

Iginiit din ni Sombero na kung may makakapagpatunay na kilala nga niya si Lam ay handa siyang agad na magpakulong.

Itinanggi rin ni Sombero na sinuhulan niya ang mga opisyal ng Bureau of Immigration.

Dagdag pa ni Sombero na bumalik siya ng bansa para hindi lang matutok ang imbestigasyon sa isyu ng bribery at extortion.

Aniya, kaniyang tinitingnan ang kaso kaugnay sa industiya ng illegal gambling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *