Mga nakatira sa gilid ng ilog sa Davao City, pinalilikas

National News

Pinalilikas ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ang mga residenteng nakatira sa gilid ng ilog.

Ito ay matapos itaas sa orange code o high water level ang tatlong ilog, kabilang na ang Talomo River, Matina River at Lipadas River dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar.

Pinapayuhan ang mga residenteng lumikas dahil posibleng tumaas ang tubig at magkaroon ng pagguho ng lupa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *