3 kaso ni Senadora Leila De Lima, nai-raffle na

National News

Nai-raffle na ang magkakahiwalay na tatlong kasong kriminal na kinahaharap ni Senadora Leila De Lima kaugnay ng paglabag sa Dangerous Drug Act.

Ito ay matapos masangkot ang senadora sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Ang criminal case 165 ay napunta sa sala ni Judge Juanita Guerrero ng Regional Trial Court (RTC) Branch 204 sa Muntinlupa.

Napunta naman kay Judge Amelia Fabros Corpuz ng RTC Branch 205 ang criminal case 166 laban sa senadora.

Ang isa pang kaso laban kay De Lima ay napunta kay Judge Patricia Manalastas-De Leon ng RTC Branch 206.

Idedetermina ng korte kung may probable cause ang mga kasong inihain ng Department of Justice (DOJ) laban kay Senadora De Lima.

Kasabay nito, naghain naman ng mosyon ang kampo ng senadora na diringgin ngayong linggo.

Sumugod naman ang mga tagasuporta ni De Lima sa Muntinlupa RTC kabilang si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *