EPPC, walang balak na balewalain ang diwa ng EDSA People Power

National News

Walang balak na balewalain ng EDSA People Power Commission (EPPC) ang diwa ng ‘people power.’

Ito ay kahit simpleng pagdiriwang lamang ang ikinakasa at sa loob ng Camp Aguinaldo ito gaganapin sa halip na sa EDSA People Power Monument.

Gaganapin din ang aktibidad sa Pebrero a-beinte kuwatro at hindi sa Pebrero a-beinte singko na pangungunahan ng Malacañang.

Ayon kay Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, bagama’t simple kung ikukumpara sa nakasanayang magarbong selebrasyon ay nananatili pa ring buhay ang diwa at aral ng ‘people power.’

Hindi pa kumpirmado kung dadalo sa selebrasyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *