White House, pinaiimbestigahan sa US Congress kung may pang-aabuso sa executive power ang Obama Administration noong 2016 campaign period

International News

Hiniling ng White House sa US Congress na imbestigahan kung nagkaroon ng pang-aabuso sa executive power ang Obama Administration noong kasagsagan ng 2016 campaign period.

Kasunod ito ng paratang ni US President Donald Trump kay dating US President Barack Obama na nang-wiretap umano sa kanyang telepono sa Trump Tower na nagsilbing campaign headquarters ni Trump.

Ayon kay White House Press Secretary Sean Spicer, ang kahilingan ni Trump ay bahagi ng Congressional probe kaugnay sa umano’y naging impluwensiya ng Russia sa naganap na US presidential elections noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *