DFA Secretary Yasay, dapat kasuhan ng perjury — Gary Alejano

National News

Iginiit ni Magdalo Representative Gary Alejano na dapat kasuhan ng perjury si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay.

Sinabi ito ni Alejano matapos mapag-alaman na nitong 2016 lamang ni-renounce ni Yasay ang American citizenship nito.

Ayon kay Alejano, dapat lamang sampahan ng kasong perjury si Yasay dahil sa pagsisinungaling nito.

Bukod dito, inakusahan din ni Alejano ang Duterte Administration sa hindi umano patas na trato laban sa mga kritiko nito.

Inihalimbawa ng kongresista ang pagtanggap umano ng Malacañang sa pagbabago ng mga pahayag ni Yasay hinggil sa citizenship nito.

Samantala, hindi naman umano katanggap-tanggap ang pagbaliktad ni SPO3 Arturo Lascañas sa mga naunang deklarasyon nito kaugnay ng Davao Death Squad (DDS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *