Patay sa ‘Oplan Tokhang,’ umabot na sa 9 — PNP

National News

Umabot na sa siyam na drug suspects ang napatay sa pagbabalik ng kampanya kontra-droga ng Administrasyong Duterte.

Batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula Marso a-sais hanggang Marso a-nuwebe.

Pumalo naman sa sandaan at apatnapu’t lima ang mga naaresto.

Mahigit sanlibong bahay naman ang nakatok sa ilalim ng “Oplan Tokhang.”

Samantala, labintatlo namang mga gumagamit ng droga ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *