Pangulong Duterte balik-bansa na

National News

Balik-bansa na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa official visit nito sa bansang Myanmar at Thailand.

Mag-aalas-tres kaninang madaling-araw nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal ang sinakyang eroplano ng pangulo.

Ipinagmalaki ng pangulo sa kanyang arrival speech na naging mabunga ang naging biyahe niya sa dalawang bansa.

Napagkasunduan aniya ng Pilipinas at Myanmar ang mas pagpapalakas ng kalakalan at ekonomiya.

Kabilang naman sa mga natalakay ng pangulo sa kanyang speech ang usapin sa kampanya ng pamahalaan kontra-droga, muling pagbanat sa European Union (EU), usapin sa West Philippine Sea (WPS) at ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Mainit namang sinalubong ang pangulo ng ilang miyembro ng kanyang Gabinete.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *