Mga negosyante hirap maipatupad ang bagong kautusan ng DOLE

National News

Aminado ang maraming negosyante sa bansa na nahihirapan sila sa pagtugon sa bagong kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagre-regulate sa labor-only-contractualization.

Pero ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis, na kahit pahirap sa kanila ang nasabing kautusan ay kanila itong susundin.

Sa kabila nito, nagbabala ang ECOP na maraming negosyante ang mapipilitang magbawas ng trabahador dahil sa naturang kautusan.

Inilabas ng DOLE ang nasabing kautusan bilang tugon sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawasan o matanggal na ang problema sa kontraktuwalisasyon.

Natakda namang ipatupad ang nasabing department order (DO) sa Abril 3.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *