NUJP bumuwelta kay Duterte

National News

Binuweltahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa tirada nito laban sa dalawang media companies.

Sa isang pahayag, sinabi ng NUJP na malinaw na hindi ang Philippine Daily Inquirer (PDI) at ABS-CBN ang bastos kundi ang pangulo.

Inaabuso rin umano ng pangulo ang napakalaking kapangyarihan nito bilang chief executive ng bansa at may maliit na pagpapahalaga sa demokrasya.

Hindi naman umano pa aasahan ng grupo na hihingi ng paumanhin si Duterte.

Tiniyak naman ng NUJP na hindi mapipigilan ng mga pagmumura at maaanghang na salita ni Duterte ang mga mamamahayag na gawin ang kanilang tungkuling magbigay-impormasyon sa publiko tungkol sa mga nagaganap sa bansa — magustuhan man ito o hindi ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *