Pag-amiyenda sa local government code imbes na pederalismo iminungkahi ni Escudero

National News

Iminungkahi ni Senador Francis Escudero ang pag-amyenda sa local government code sa halip na isulong ang pederalismo.

Sinabi ni Escudero na imbes na pederalismo at baguhin ang Saligang-Batas ay amiyendahan na lamang ang local government code at gawing 40-60 ang hatian sa kita ng gobyerno pabor sa local government units (LGUs).

Nag-aalaala rin daw ang senador na kung magiging pederalismo ang sistema sa bansa ay hindi na mababayaran ang pambansang utang  kapag ang lahat ng pondo ay ipamamahagi kada-regional government.

Inihalimbawa naman ni Escudero ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na aniya’y pinakamalapit na ehemplo ng pederalismo pero hanggang ngayon ay inaamyendahan pa rin ang batas dito.

Dagdag pa ni Escudero, kung hindi magawa ang pederalismo sa iisang rehiyon ay bakit pa ito aambisyuning gawin sa buong Pilipinas?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *