Teorya ni Alejano na nahahati ang liderato ng Kamara pinagtawanan ni Alvarez

National News

Pinagtawanan lamang ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pahayag ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano na hati na ang liderato ng Kamara na pinamumunuan ng PDP-Laban.

Sinabi ni Alejano na gagamitin niya ang away nina Alvarez at Davao del Norte Representative Antonio Floirendo para maging adbentahe sa kanyang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Alvarez, makitid lamang ang pag-iisip ni Alejano.

Hindi rin aniya sila nag-aaway ni Floirendo na kapwa niya miyembro ng PDP-Laban.

Sinabi pa ni Alvarez na walang kinalaman sa impeachment ang isyu sa kanila ni Floirendo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *