Duterte nagtalaga na ng OIC sa DILG

National News

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Undersecretary Catalino Cuy bilang officer-in-charge (OIC) ng Department of the Interior and Local Government.

Effective immediately ang pagkakatalaga kay Cuy bilang OIC ng DILG.

Hahawakan ni Cuy ang posisyon para matiyak ang tuluy-tuloy at epektibong serbisyo ng DILG hangga’t wala pang naitatalagang bagong kalihim si Duterte.

Pinalitan ni Cuy ang na-dismiss na si Interior Secretary Mike Sueno dahil sa alegasyon ng katiwalian.

Si Cuy ay nagsilbing hepe ng Davao City Police bago naitalaga sa DILG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *