Duterte muling binanatan ang oligarchs, ilang media networks

National News

Mainit na sinalubong si Pangulong Rodrigo Duterte ng Filipino community sa Doha, Qatar.

Sa mahigit dalawandaang libong Pilipino sa Qatar ay higit sa anim na libong Pilipino ang nagtipun-tipon para personal na makita at salubungin si Duterte sa labas ng Qatar.

Ipinagmalaki ng pangulo sa overseas Filipino workers (OFWs) ang hindi na pagbubukas ng mga bagahe sa mga kababayang Pilipino na uuwi ng Pilipinas.

Sinabi rin ng pangulo na patuloy ang kanyang kampanya laban sa kurapsiyon, krimen at iligal na droga sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *