Palasyo di-nababahala sa pagbaba ng war on drugs rating

National News

Ipinagkibit-balikat ng Malacañang ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong kuntento sa war on drugs ng administrasyon.

Tinutukoy ng Malacañang ang pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), kung saan ay nasa positive 66 net satisfaction rating sa war on drugs sa unang bahagi ng 2017.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kahit pa bumaba ng 11 puntos, mayorya pa rin ng mga Pinoy ang kuntento sa kampanya kontra-droga.

Marami na rin aniya ang hindi na nababahala sa kanilang personal na kaligtasan.

Ipinunto naman ni Abella ang bilang ng mga naniniwalang seryoso ang gobyerno sa pagresolba sa EJKs at ang hakbang nito para malinis ang mga pulis na scalawags.

Tiniyak din ng opisyal na hindi titigil ang administrasyon sa laban kontra-droga hangga’t hindi napaparalisa ang drug operations sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *