Ilang kongresista dismayado sa kinahinatnan ni Lopez

National News

Dismayado ang ilang kongresista sa pagbasura ng Commission on Appointments (CA) sa kumpirmasyon ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Ayon kay House Deputy Minority Leader Harry Roque, nawalan ng tagapagtanggol ng kalikasan ang gobyerno.

Nalungkot naman si Akbayan Representative Tom Villarin sa balita, kung saan ay naniniwala siya sa kakayahan ni Lopez bilang kalihim.

Samantala, nanawagan naman si Anakpawis Representative Ariel Casilao sa papalit kay Lopez na unahin ang kapakanan ng mga mamamayan at hindi para sa pansariling interes lamang. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *