NoKor muling nagpakawala ng missile

International News Metro Manila Metro News National News News & Update

Muling nagpakawala ng ballistic missile ang North Korea (NoKor) ngayong araw.

 

       Ayon sa South Korean Military, lumipad nang hanggang 450 kilometro ang pinakawalang short-range ballistic missile bago lumapag sa karagatan.

 

       Ito na ang ikatlong matagumpay na missile test ng NoKor sa loob ng ilang linggo.

 

       Para sa mga observer, may progreso na ang ginagawang missile ng NoKor na maaaring makapagdala ng nuclear warheads.

 

       Naghain naman ng protesta ang Japan kontra sa pinakahuling missile launch na lumapag umano sa economic zone ng kanilang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *