RWM attacker, naka-ban sa lahat ng casino — PAGCOR

Metro News

 Naka-ban ng isang taon sa lahat ng casino na nasa ilalim ng regulasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang attacker ng Resorts World Manila (RWM) na si Jessie Carlos.

Noong Marso 24 ay naglabas ang PAGCOR ng player exclusion order na nagbabawal kay Carlos na pumasok sa lahat ng PAGCOR-regulated casino mula Marso 27 hanggang Marso 26 ng susunod na taon.

Hiniling ito ng asawa ni Carlos.

Una nang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde na posibleng ang pagba-ban kay Carlos ang dahilan kung bakit inatake nito ang RWM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *