Warriors, itinaob ang Cavs sa NBA Finals Game 3

Sports

Hindi umubra ang homecourt advantage ng Cleaveland Cavaliers upang manalo sa Game 3 ng NBA Finals laban sa Golden State Warriors ito’y matapos isang panalo na lang ang kailangan ng Golden State at makukuha na nila ang kampeonato ngayong taon.

Sa ginanap na Game 3 tinalo ng Golden State ang Cavaliers sa score na, 118-113, subalit kung ikukumpara sa game one at game two hindi naging madali para sa Warriors na masungkit ang katagumpayan matapos na naging dikit ang laban kung saan may pagkakataong lumamang pa ang Cleaveland na umabot sa 11 points sa third quarter.

Subalit nahabol pa ito ng Golden State sa pangunguna ni NBA superstar Kevin Durant na gumawa ng 31 points, kung saan pinakamahalaga sa kanyang puntos ay ang kanyang ipinasok sa three points sa huling minuto ng laro na nagbigay sa kanila ng kalamangan.

Samantalang ang tinaguriang splash brothers na sina Klay Thompson at Stephen Curry ay gumawa ng combined 61 points.

Samantalang nasayang ulit ang ginawang 39 points, 11 rebounds at nine assist ni NBA superstar Lebron James, samantalang 38 points naman ang ginawa ni Kyrie Irving.

Ang game 4 gaganapin sa Hunyo a-dies Sabado sa homecourt pa rin ng Cleaveland.

Photo Courtesy: @warriors (twitter)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *