Duterte, sumama ang pakiramdam kaya hindi nakadalo sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Luneta

National News

Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa  ika 119th na anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa Rizal Park.

Ayon kay foreign affairs secretary Alan Peter Cayetano, dahil sa puyat at pagod ay sumama ang pakiramdam ng pangulo kaya hindi na ito pinilit na gumising ng maaga para daluhan ang selabrasyon sa Luneta.

Si vice president Leni Robredo ang siyang pumalit sa pangulo para sa flag raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Jose Rizal kasama sina Cayetano at AFP chief of staff Eduardo Ano.

Ito sana ang unang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan na pangungunahan sana ni Duterte bilang pangulo ng bansa.

Ayon naman kay presidential spokesperson Ernesto Abella, hinaharap ng pangulo sa ngayon ang mga krisis sa Mindanao na nangangailangan ng buong atensiyon.

Sa ngayon naman dito si Cayetano kaya nga pinili na magpahinga muna ng pangulo dahil sa ginugugulan sa ngayon ng malaking oras ni Duterte.

Nagpaliwanag din ang foreign affairs secretary kung bakit kinansela ni Duterte ang tradisyon nang vin d’honneur sa Malakanyang tuwing Independence Day.

Hindi aniya maatim ng pangulo na magkaroon ng isang selebrasyon sa Palasyo kahit pa ceremonial ito habang nalalagasan ng sundalo ang bansa sa Marawi City at marami sa mga kababayan natin na nawalan ng bahay at nasa evacuation centers dahil sa kaguluhan dulot ng mga militante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *