Jessy Mendiola, napikon sa komento ng basher tungkol sa pagkakalaglag  sa ‘Top 10 Sexiest Women’

Showbiz

Sinagot ni Jessy Mendiola ang komento ng isang basher tungkol sa hindi niya pagkakapasok sa top 10 list ng ‘100 sexiest in the world’ ng FHM magazine.

Say pa ng nasabing basher kay Jessy, baka iwan na siya ni Luis ngayong laglag siya sa ‘top 10 sexiest women.’

Pero buwelta ni Jessy, hindi naman niya ikamamatay kung hindi siya makapasok sa nasabing listahan.

Hinamon din niya ang basher na ito na lamang ang sumali sa FHM.

Si Jessy ang itinanghal na ‘sexiest woman’ ng FHM noong nakaraang taon, kung saan ay tinalo niya ang dating girlfriend ni Luis na si Angel Locsin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *