Malacañang, bukas sa tulong ng ibang bansa kung aalukin

National News

Bukas ang Malacañang na tumanggap ng tulong mula sa ibang bansa para sa laban kontra-terorismo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi lamang concern ng Pilipinas o Amerika ang laban kontra- terorismo, kundi maging ng lahat ng bansa sa buong mundo.

Bukas naman aniya ang Pilipinas sa tulong kung aalukin ng ibang bansa.

Nilinaw naman ni Abella na limitado lamang sa ‘technical assistance’ ang partisipasyon ng mga tropang Kano sa pagtugis sa Maute group.

Ginawa ni Abella ang pahayag matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang alam na tumutulong ang Amerika sa tropa ng pamahalaan sa laban kontra-Maute group sa Marawi City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *