Mga pulis at sundalong nasawi sa Marawi, inalaala sa ‘high-noon salute’

National News

Sabay-sabay na ipinakita sa iba’t ibang istasyon ng telebisyon ang mga larawan ng 58 sundalo at pulis na namatay sa patuloy na bakbakan sa Marawi City bilang bahagi ng ‘high noon salute.’

Ganap na alas-12:00 ng tanghali nang ipinakita ang larawan ng tropa ng gobyerno na namatay samantalang tinutugis ang mga teroristang grupong Maute.

Kasabay nito’y nanawagan din si Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa publiko na bigyang-pugay ang kabayanihan ng mga nasawing sundalo at pulis.

Noong nakaraang linggo ay isinapubliko na ng Malacañang ang pangalan ng mga sundalo’t pulis na nasawi sa pakikipagbakbakan sa Marawi.

Idinagdag ni Abella na simula ngayong araw, ilalagay sa half-mast ang mga bandila sa lahat ng ahensiya ng gobyerno bilang pakikidalamhati sa mga nasawing sundalo at pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *