US, kinumpirmang tumutulong na rin sa Phl troops sa Marawi

National News

Kinumpirma ng gobyerno ng Amerika na tumutulong ang US Special Operations Forces sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paglaban sa Maute group at iba pang local terrorists sa Marawi City.

Ito ay alinsunod na rin sa kahilingan ng bansa na tumulong ang US Military Forces sa isinasagawang operasyon sa Marawi.

Dagdag pa ng Embahada ng Estados Unidos, ilang taon na ang nakararaan nang mag-request ang Pilipinas ng tulong mula sa US.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Lt. Col. Jo-Ar Herrera, 1st Infantry Battalion spokesperson na limitado lamang sa ‘technical support’ ang assistance ng US counterpart.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *