Watawat ng Pilipinas, itinayo sa isang bahagi ng Philippine Rise ngayong Araw ng Kalayaan

National News

Itinayo sa isang bahagi ng Philippine Rise na dating Benham Rise ang watawat ng Pilipinas ngayong Araw ng Kalayaan.

Ibinaon ng mga military diver mula sa Philippine Navy ang flag na gawa sa fiberglass sa isang konkretong pundasyon limampu’t pitong metro below sea level.

Layunin ng nasabing aktibidad na ipakita ng bansa ang ‘patriotic ownership’ sa maritime zone at strategic value ng lugar.

Samantala, isang grupo naman ang nagtungo sa karagatang sakop ng West Philippine Sea (WPS) at saka itinaas ang watawat ng Pilipinas.

Sa Facebook page ng non-government organization na Dakila, ipinakita ang pagtaas at pagwagayway ng watawat sa karagatan samantalang inaawit ng kanilang mga miyembro ang Lupang Hinirang.

Kapwa inaangkin ng China ang Philippine Rise at WPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *