LTFRB: Public transport demand ng TNVS, 2% lang

Metro News

Muling dumipensa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa gagawin nilang crackdown sa mga colorum na Uber at Grab.

Ayon kay LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, hindi nila iniipit ang Uber at Grab.

Ipinatutupad lang aniya ng LTFRB ang mandato nito pagdating sa pagre-regulate ng mga pampublikong sasakyan.

Dagdag pa ni Lizada, dalawang porsyento lang ng public transport demand ang Uber at Grab.

Mas marami pa rin aniya ang mga nagbibiyahe gamit ang pampublikong transportasyon gaya ng tren, bus, at jeep.

Inaasahang sisilipin din ng LTFRB ang pagbabayad ng buwis ng Uber at Grab.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *