Peter Lim, isinailalim sa  look out bulletin ng BI

Metro News

Kinumpira ng Bureau of Immigation (BI), ang pagsasailalim sa look out bulletin ang drug personality na si Peter Lim.

Ayon kay Immigration Spokesperson Atty. Antonette Mangrobang, July 11, 2017 pa nang isailalim sa lookout bulletin order si Lim na may kaugnayan sa paglabag sa RA 9165.

Sa ilalim ng lookout bulletin order, maari kang makalabas ng bansa ang isang akusado pero kailangan muna nitong ibigay ang kanyang travel details, pati na ang mga lugar na pupuntahan at kailan ang balik nito sa bansa.

Matatandaang noong 2016, si Lim ay isa sa mga tinukoy ni Pangulong Duterte na isa sa tatlong umano’y lider ng illegal drug operations sa bansa.

Nakipagkita narin si Lim sa pangulo sa Davao City at itinanggi ang kanyang kaugnayan sa illegal drug trade sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *