Zero fund para sa CHR, mahigpit na inirekomenda ni Speaker Alvarez

National News

Posibleng walang maiuwing dagdag na pondo ang Commission on Human Rights habang umuusad ngayon ang budget deliberation ng House committee on appropriations para sa proposed 2018 national budget.

Ayon kay House speaker Pantaleon Alvarez, bagsak ang performance ng CHR dahil sa bias na pagtrato sa karapatang pantao ng mga kriminal at mismong biktima.

Giit ni Alvarez madalas nitong naoobserbahan na kapag ang kriminal ang gumawa ng krimen halos walang imik umano ang CHR pero kapag ang kapulisan ang gumawa ng mga pagpatay sa kabila ng lehitimong operasyon ay maingay umano ang komisyon.

Sa pagkakaalam aniya ng mambabatas na ang human rights ay para sa lahat ng Pilipino at hindi para sa iilan lamang.

Ayon sa datos, mula sa kasalukuyang 749 milyon pesos ay bumaba ito ngayon ng sampung porsyento o nasa 649 milyon na lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa CHR.

Samantala, dahil sa umano’y pagiging bias ng CHR, maituturing na isang pagtataksil sa bayan ang ginagawa nito at posibleng maharap pa sa impeachment ang hepe ng komisyon.

Wala namang balak na maghain si Alvarez ng complaint laban sa CHR chief.

Tiniyak naman ni Commission on Human Rights chief Chito Gascon na sa kabila ng maliit na pondo ay magagawa pa rin nito ang kanilang adbokasiya sa pagsusulong ng karapatang pantao sa bansa. POL MONTIBON – SMNI News Channel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *