Giyera sa pagitan ng NoKor US, di magaganap ayon kay South Korean President Moon

International News

Nilinaw ni South Korean President Moon Jae-In na walang magaganap na giyera sa pagitan ng United States at North Korea.

Ginawa ni Moon ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang ika-isandaang araw na panunungkulan.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Moon na maari silang magpadala ng envoy sa North Korea oras na hindi ito tumigil sa pagsubok sa missiles.

Samantala, magsasagawa ang US at South Korea ng joint military drills sa susunod na Linggo kahit na pinipigilan ito ng North Korea at China.

Nabatid na nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng US at Hilagang Korea nitong mga nakaraang araw, dahil sa pagpapalitan nila ng maaanghang na salita.

Kasunod ito ng banta ng NoKor na magpapalipad ng apat na missiles sa teritoryo ng US at Guam, na nagdulot ng pangamba sa Asya.

Samantala nitong Martes, ipinagpaliban ni NoKor Leader Kim Jong-Un ang nasabing banta, na ikinatuwa naman ng nakararami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *