Pangulong Duterte, inaprubahan ang pagtatag ng Overseas Filipino Bank

National News

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang acquisition ng Land bank of the Philippines sa Philippine Postal Savings Bank sa pamamagitan ng Executive Order No. 44.

Layuning ng Overseas Filipino Bank (tinatawag ding OFW Bank), ang makapagbigay ng financial services na nababagay sa pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), kasama na rin ang kanilang mga remittances.

Ang OFW Bank ay bubuuin ng mga boards of directors kung saan magsisilbing chairperson ang presidente ng Land bank of the Philippines (LBP).

Magtatalaga naman ang chairperson ng apat pa na directors.

Kasama rin sa board ang kinatawan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at isa mula sa pribadong sektor na magiging kinatawan ng mga OFWs.

Nilagdaan nitong Set. 28 ang E.O.44 at isinapubliko nitong Lunes lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *