Juan Ponce Enrile, pumanaw na—Fake News

National News

NATATAWA lang at nagpasalamat pa si Dating Senador Juan Ponce Enrile matapos mapabalita umanong pumanaw na siya.

Aniya, nagulat siya sa fake news na ito na lumabas pa sa pahayagan noong Oktubre 26.

Ang fake news na ito ay gumulat maging sa mga malalapit sa buhay ng senador at napatawag pa para siya ay kumustahin.

Kaya’t ang payo sa publiko, maging mapagmasid, mapanuri at kumpirmahin ang balita bago maniwala.

(Ulat ni John Vallada)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *