Pambato ng Pilipinas sa 2017 Miss Earth, humingi ng panalangin para sa nalalapit na ‘coronation night’

Local Showbiz


DALAWANG araw bago ang nalalapit na coronation night ng 2017 Miss Earth, umapela ng panalangin ang pambato ng Pilipinas na si Karen Ibasco.

Hiling ni Karen na isama siya sa panalangin ng mga kababayang Pilipino.

Sa pinakahuling ulat ng Miss Earth organizer, nangunguna si Karen mula sa walumpu’t limang kandidata na may pinakamaraming medalya.

Kabilang dito ang tatlong gold medals mula sa national costume competition, swimsuit competition at darling of the press.


Bukod pa ang dalawang silver mula sa resorts wear at long gown competition.


Gaganapin ang coronation sa Nobyembre 4, araw ng Sabado, sa MOA Arena sa Pasay City.

(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio—Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *