NHA, dumipensa sa “substandard housing unit” ng mga Yolanda survivors

National News

DUMIPENSA ang National Housing Authority (NHA) sa napabalitang substandard ang ilang ipinatayo nilang housing units para sa mga survivors ng Super Typhoon Yolanda na ngayong araw ay ginugunita ang apat na taon na pinsalang iniwan nito.

Ayon kay Engineer Grace Guevara, head ng Visayas National Housing Authority, dahil maramihan o mass housing ang kanilang ipinatutupad, hindi maiiwasan na magkaroon ng construction defects.
Hindi naman nila binabayaran ng kumpleto ang mga kontratista hanggat hindi inaayos ang mga sira o hindi nakasunod sa pinlanong disenyo.

Hindi na muna pinasali sa bidding ngayong araw ng natitirang 10,000 units na sasaililalim sa bidding ang kontrobersyal na kontratista na JC Tayag.


Kasunod ito ng lumabas sa pagdinig ng Kamara na gumamit si Juanito Tayag ng substandard material sa mga itinayo nitong pabahay sa Balangiga, Eastern Samar.

Aniya, sa mahigit 300 na contractors, si JC Tayag lamang ang may reklamo.

Pero, tumanggi muna ang NHA na pag-usapan ang kaso ng JC Tayag.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *