Bicol Region, nasa ‘Red Alert Status’ dahil sa Bagyong Salome

National News

ISINAILALIM na sa Red Alert Status ng Office of Civil Defense ang buong Bicol Region.

Ito ay dahil sa patuloy na pananalasa sa lugar ng Bagyong Salome na nagdala ng malakas na hangin at ulan.

Ipinatupad na rin ang mandatory evacuation sa mga residente na apektado ng malakas na buhos ng ulan partikular na ang mga nasa baybayin ng mga karagatan at sa tabi ng Bicol River.

Patuloy din ang pagbabantay ng DPWH sa mga lugar na landslide prone areas.

Samantala, kanselado na rin ang lahat ng mga biyahe sa karagatan maging ang mga air trips sa lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Masbate.

(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *